Connect with us

Local

IKAAPAT NA KASO NG MONKEYPOX SA ILOILO

Published

on

(Image by World Health Organization)

 

ILOILO CITY –  Pumalo sa apat na kaso ng monkeypox ang natuklasan ng Department of Health sa bansa at ang pang-apat na kaso ay natuklasan sa Iloilo.

Sumailalim na sa quarantine isolation ang 14 taong naging close-contacts ng pinakaunang kaso ng monkeypox sa iloilo.

Ayon kay Iloilo Governor Arthur Defensor Jr. mag papatupad nang mas agresibong testing para sa monkeypox at i-aactivate ang health at monitoring facilities na ginagamit noon sa COVID19. 

Sa ulat ng Super Radyo Iloilo, kinumpirma ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas na dating isang food handler sa fast food chain ang ikaapat na kaso ng monkeypox.

Noong Agosto 16 pa ang huli niyang araw sa trabaho at nag positibo sa araw ng Agosto 19.

Kasalukuyan, na naka-isolate na ang pasyente sa hospital.

Ayon sa Department of Health, asymptomatic ang naturang sakit at hindi pa matukoy sa ngayon kung nagkaroon ng local transmission ng monkeypox. 

Patuloy pa rin inaalam ng DOH kung saan nahawa ang pasyente mula sa iloilo. 

Lumalabas sa record travel history na walang anuman na nanggaling siya sa ibang bansa na may confirmed cases na monkeypox. 

Continue Reading

Local

A DEAD PHILIPPINE EAGLE WAS FOUND IN SARANGANI PROVINCE

Published

on

By

Photo uploaded on Facebook by DENR Soccsksargen

KORONADAL CITY – a critically endangered Philippine eagle was found dead along the shoreline of Purok Maguid, Barangay Daliao in Maasim town, Sarangani, on monday morning, according to the Department of Environment and Natural Resources (DENR) Soccsksargen.

 

The agency stated on Facebook that a government employee found the eagle believed to be dead after four to five hours, with the cause of death still unknown.

 

“No tag or chips were noticed in the raptor upon the inspection. It weighed 5.6 kilograms, has a 102-centimeter length and 188 cm wingspan,” DENR said.

“The carcass will be sent to the Philippine Eagle Center in Davao City for necropsy,” it added.

 

Continue Reading

Local

Halos mahimatay ang isang motorista matapos makasalubong ang isang manika sa Leyte

Published

on

By

Mga larawan ni PJ Carawana sa Facebook

DULAG, LEYTE – Hating-gabi, sa madilim na daan ay nakasalubong ng motorista na si PJ Carawana, 22-anyos ang isang manika na nakatayo sa kalsada ng barangay Dulag, Leyte. 

Ani nito, noong Martes pa nangyari ang insidente na halos atakihin ito sa nerbyos nang inaakala ay isa itong sanggol ngunit isa pala itong manika. 

Sa pahayag ni PJ, halos hating gabi na raw ito na manggaling siya sa bayan upang tunghayan ang isang taunang event na pista sa kanilang lugar nang madaanan niya ang parte ng Brgy. Del Pilar papuntang Brgy. Rawis. 

“’Di ko alam sino ang naglagay nun haha lakas ng trip muntikan na ‘ko mahimatay,” pagbabahahagi ni PJ.

“Dis-oras ng gabi tapos ikaw lang mag-isa, makakakita ka ng ganon hahaha ano mafefeel mo hahaha,” dagdag niyang sabi.

Ang inaakala nitong sanggol ay isa pa lang naturang manika na nakatayo sa isang liblib na daan. 

Nasaktuhan pa na hindi gumagana lahat ng street lights sa nasabing kalye. 

Sa isang litrato, makikita na tila sanga ng kahoy ang pinanggamit upang maging suporta ito sa likod ng manika dahilan para ito’y magmukhang nakatayo na sanggol. 

Saad ni PJ, sana ay maging masaya raw ang gumawa nito na  naging dahilan umano ng pagtibok ng kanyang puso. 

Sa kanyang palagay, ay tila hindi lang siya ang naging biktima ng isang manika. Dahil matapos kuhanan ng litrato nito sa daan ay nilagpasan lamang niya at hindi inalis sa madilim na daan. 

 

Continue Reading

Local

Isang mag-ina ang natagpuang patay sa loob ng sariling pamamahay

Published

on

By

Photograph by Palompon MPS

PALOMPON, Leyte – Patay ang isang 79-anyos na babae at ang kanyang 62-anyos na anak na babae na umano’y ninakawan sa Brgy. Tinago, Palompon, Leyte, kamakailan.

Kinilala ni Paplompon Police chief Major Ronald Espina ang mga biktima na sina Lourdes Verano at anak nitong si Josefina.

Aniya, natuklasan ng mga rumespondeng opisyal ang duguang katawan ng mga biktima sa kanilang sala noong Lunes ng umaga, Setyembre 12.

Ayon kay Espina, ang mga biktima ay pinagsasaksak hanggang sa mamatay ng hindi pa nakikilalang mga magnanakaw.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na dakong alas-11 ng gabi, noong Linggo, narinig ng isang kapitbahay ang sigawan ng mga biktima.

Dahil sa ingay ay sumilip sa kanilang bintana ang hindi pa nakikilalang kapitbahay, at nakita ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na lumabas sa bahay ng mga biktima.

Sumakay ang mga suspek sa isang motorsiklo at tumakas patungo sa highway.

Sinabi ng saksi na inireport niya ang insidente sa mga opisyal ng barangay.

Ayon sa asawa ni Josefina na wala sa bahay noong nangyari ang insidente, ang kanyang asawa ay may mahigit P100,000 na kinita sa kanilang ani ng palay.

Continue Reading

Trending

Copyright © 2022 Kabayan News Leyte.