Local

IKAAPAT NA KASO NG MONKEYPOX SA ILOILO

Published

on

(Image by World Health Organization)

 

ILOILO CITY –  Pumalo sa apat na kaso ng monkeypox ang natuklasan ng Department of Health sa bansa at ang pang-apat na kaso ay natuklasan sa Iloilo.

Sumailalim na sa quarantine isolation ang 14 taong naging close-contacts ng pinakaunang kaso ng monkeypox sa iloilo.

Ayon kay Iloilo Governor Arthur Defensor Jr. mag papatupad nang mas agresibong testing para sa monkeypox at i-aactivate ang health at monitoring facilities na ginagamit noon sa COVID19. 

Sa ulat ng Super Radyo Iloilo, kinumpirma ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas na dating isang food handler sa fast food chain ang ikaapat na kaso ng monkeypox.

Noong Agosto 16 pa ang huli niyang araw sa trabaho at nag positibo sa araw ng Agosto 19.

Kasalukuyan, na naka-isolate na ang pasyente sa hospital.

Ayon sa Department of Health, asymptomatic ang naturang sakit at hindi pa matukoy sa ngayon kung nagkaroon ng local transmission ng monkeypox. 

Patuloy pa rin inaalam ng DOH kung saan nahawa ang pasyente mula sa iloilo. 

Lumalabas sa record travel history na walang anuman na nanggaling siya sa ibang bansa na may confirmed cases na monkeypox. 

Trending

Exit mobile version