JAVIER, LEYTE – Inaresto nitong lunes sa Tacloban City ang isang sundalong suspek sa pagpatay sa isang barangay chairman sa bayan ng Javier, Leyte.
May ranggong sarhento at naka-assigned sa 63lB, 8ID ng Philippine Army sa Brgy. Guirang, Basey, Samar, at residente ng Purok 6, Brgy. Mercedes, Catbalogan City.
Ayon sa mga awtoridad, isa sa mga salarin ang pinaniniwalaang suspek sa pagbaril kay Joel Riños ng Brgy. Inayupan, Javier nitong ika-22 araw ng buwang Agosto.
Matapos ang insidente, isinailalim sa surveillance ang suspek matapos makilala ng saksi at makita sa CCTV tape ng barangay.
Nakasaad sa ebidensiya na nang lapitan ng mga pulis ang suspek upang tanungin siya tungkol sa insidente, nagpakilala itong miyembro ng Armed Forces of the Philippines.
Ayon sa mga pulis, nang magpresenta ang suspek, malaya din nitong binuksan ang u-box ng motorsiklo, kung saan nadiskubre nila ang isang kargadong.45 caliber revolver.
Nang hanapan ito ng mga dokumento tungkol sa baril, wala aniya itong maipakita.
Sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng Tacloban City Police Office.
Samantala, inihahanda naman ang imbestigasyon sa kaso na may kinalaman sa pagpatay ni Riños.