Nation

Resolusyon para sa kompensasyon para sa mga biktima ng Marawi siege, suportado ng senate majority at minority

Published

on

(Photograph: PH Army)

Nakatanggap ng suporta mula sa majority at minority blocs sa Senado ang resolusyong iniharap ni Senator Robin Padilla para mapabilis ang compensation procedure para sa mga biktima ng 2017 Marawi Siege na isinagawa ng Maute gunmen.

Ayon kay Padilla, sinuportahan ni Sen. Risa Hontiveros ang kanyang Senate Resolution No. 8, na nananawagan sa Office of the Executive Secretary na isagawa ang screening ng mga nominado para sa Marawi Compensation Board.

Matapos aniyang humingi ng tulong mula kay Sen. Hontiveros ay sinuportahan sya at in-endorso ang naturang resolusyon.

Dagdag pa niya, patuloy siyang humihingi ng suporta para sa mga panukalang batas at resolusyon na inihain niya sa lahat ng kapwa niya senador.

Noong Agosto 15, inaprubahan ng majority sa senado ang resolusyon ni Padilla matapos tiyakin ni Senate President Juan Miguel Zubiri na bibigyan ito ng pangunahing prayoridad.

Samantala, nang isumite ni Padilla ang Senate Resolution 8, nabanggit niya na maraming inosenteng tao ang nasawi sa pag-atake ng terorista sa Marawi noong 2017, nawalan ng bahay at ari-arian.

Noong Abril ng nakaraang taon, ang Marawi Siege Victims Compensation Act of 2022, na kilala rin bilang RA 11696, ay pinagtibay bilang batas, na nag-uutos sa paglikha ng MCB upang pamahalaan ang kompensasyon sa mga biktima.

Trending

Exit mobile version