Local

Misis, brutal na pinatay ng kanyang Mister sa South Cotabato

Published

on

(Image by Brigada News)

 

KORONADAL CITY – Isang misis sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato, brutal na pinatay ng kanyang mister dahil sa sobrang selos.

Ayon sa panayam ng Lake Sebu na si PNP Col. Joven Bagaygay, selos ang nakikitang dahilan sa walang awang pagtataga bago pinugutan ng ulo ang biktima ng kanyang mister nitong Biyernes. 

Natagpuan na nakadapa sa damuhan ang katawan ng biktima, kinilala ito na si Marina Klanding Kuyan, 40 anyos na gulang, habang ang suspek na mister ay nasa kustodiya na ng pulisya na si Julie Kabansil Kuyan, 44, at resident ng Sitio Kabalig, Barangay Klubi, Lake Sebu, South Cotabato. 

Lumalabas sa imbestigasyon ng Lake Sebu Municipal Police Station, tanghalian ng mangyari ang krimen ngunit bago ito ay may namuo ng tensyon sa pagitan ng mag-asawa, pinaghihinalaan ng mister na may ibang lalaki ang misis. 

Habang kumakain ang biktima at ang kamag-anak nitong si Barangay Kagawad Chita ay biglang dumating ang suspek at itinarak nito ang itak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng kanyang asawa. Pinilit ng misis makatakas ngunit sinundan siya nito at muling pinagtataga at nang hindi nakuntento ay pinugutan ito ng ulo. 

Agad na lumisan ang suspek upang makatakas sa krimen ngunit kalaunan ay sumuko rin ito sa mga sundalo at inamin ang nagawang kasalanan.  

Dagdag ng opisyal kaya nito nagawa ang krimen dahil sa dinaranas nito na sakit sa pag-iisip na hindi maipagamot dahil sa kakapusan sa pera at kahirapan sa buhay. 

Napag-alaman na ikalawang asawa na ng suspek ang biktima. Lumilitaw sa report na ang una nitong asawa na namatay ay kapatid lang rin ng biktima. 

Trending

Exit mobile version