MANILA – Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isang executive order (EO) na nagpapahintulot sa boluntaryong pagsusuot ng face mask sa mga outdoor na lugar, partikular na sa mga open space at hindi mataong outdoor area na may magandang bentilasyon.
“Naglabas po tayo today ng Executive Order No. 3 allowing voluntary wearing of face masks in outdoor settings and reiterating the continued implementation of minimum public health standards during the state of public health emergency relating to the Covid-19 pandemic,” pahayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa isang press briefing sa Palasyo.
“This order shall take effect immediately upon its publication in the OG [Official Gazette] or newspaper of general circulation. Nasa OG na po siya ,” aniya.
Lubos na hinihikayat pa rin ng EO ang paggamit ng mga face mask para sa mga matatanda, may sakit, at mga taong hindi pa natapos ang kanilang pangunahing serye ng bakuna laban sa Covid-19.
Ayon kay Cruz-Angeles, ang physical distance at iba pang minimum public health standards (MPHS) ay patuloy na mahigpit na ipatutupad.
“The voluntary wearing of face masks in open spaces and non-crowded outdoor areas with good ventilation is hereby allowed provided that not fully vaccinated individuals, senior citizens and immunocompromised individuals are highly encouraged to wear their masks and physical distancing will be observed at all times,” dagdag niya.
Samantala, nirerequire pa rin ng EO ang pagsuot ng face mask panloob, pribado o pampublikong mga establisyimento, pati na rin sa pampublikong transportasyon at sa mga outdoor area kung saan hindi nami-maintain ang physical distancing.
Ayon sa kanya, ang EO ay nagdirekta sa DOH na baguhin ang mga alituntunin ng MPHS.
Dagdag rin niya na ang boluntaryong pagsusuot ng face mask ay ipatutupad sa mga yugto upang makakuha ng feedback mula sa mga awtoridad sa kalusugan.
Gayunpaman, susuriin ang naturang polisiya kung ang boluntaryong patakaran sa face mask ay magdudulot ng pagtaas sa mga kaso ng Covid-19.
“If the voluntary masks outdoors is going to contribute to something then of course the policy will again be reviewed,”
Samantala, iminungkahi ni Senador Christopher “Bong” Go na mas mainam na magsuot pa rin ng face mask sa labas, lalo na sa pampublikong sasakyan, sa kabila ng EO.
“Though voluntary na sa mga open areas ang pagsusuot ng masks, hinihikayat ko pa rin ang ating mga kababayan, kung di naman discomfort on your part, na magsuot ng mask. Pakisuot na rin po ng inyong mask.”