Local

Halos mahimatay ang isang motorista matapos makasalubong ang isang manika sa Leyte

Published

on

Mga larawan ni PJ Carawana sa Facebook

DULAG, LEYTE – Hating-gabi, sa madilim na daan ay nakasalubong ng motorista na si PJ Carawana, 22-anyos ang isang manika na nakatayo sa kalsada ng barangay Dulag, Leyte. 

Ani nito, noong Martes pa nangyari ang insidente na halos atakihin ito sa nerbyos nang inaakala ay isa itong sanggol ngunit isa pala itong manika. 

Sa pahayag ni PJ, halos hating gabi na raw ito na manggaling siya sa bayan upang tunghayan ang isang taunang event na pista sa kanilang lugar nang madaanan niya ang parte ng Brgy. Del Pilar papuntang Brgy. Rawis. 

“’Di ko alam sino ang naglagay nun haha lakas ng trip muntikan na ‘ko mahimatay,” pagbabahahagi ni PJ.

“Dis-oras ng gabi tapos ikaw lang mag-isa, makakakita ka ng ganon hahaha ano mafefeel mo hahaha,” dagdag niyang sabi.

Ang inaakala nitong sanggol ay isa pa lang naturang manika na nakatayo sa isang liblib na daan. 

Nasaktuhan pa na hindi gumagana lahat ng street lights sa nasabing kalye. 

Sa isang litrato, makikita na tila sanga ng kahoy ang pinanggamit upang maging suporta ito sa likod ng manika dahilan para ito’y magmukhang nakatayo na sanggol. 

Saad ni PJ, sana ay maging masaya raw ang gumawa nito na  naging dahilan umano ng pagtibok ng kanyang puso. 

Sa kanyang palagay, ay tila hindi lang siya ang naging biktima ng isang manika. Dahil matapos kuhanan ng litrato nito sa daan ay nilagpasan lamang niya at hindi inalis sa madilim na daan. 

 

Trending

Exit mobile version