Nation

DOH, nakipagkausap sa 2 monkeypox vaccine manufacturer

Published

on

Cynthia S. Goldsmith / Centers for Disease Control and Prevention / AFP

MANILA — Nakikipag-usap ang Department of Health (DOH) sa dalawang monkeypox vaccine manufacturer, habang patuloy nitong tinitimbang ang pangangailangan ng bansa para sa naturang mga pagbabakuna.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, maaaring hindi mabigyan ng isang bakuna ang mga may ilang comorbidities.

Samantala, ang iba pang bakuna ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang US$ 210 bawat isa, at maaari lamang magsimulang maghatid ng mga supply sa unang quarter ng 2023.

“Mayroon na rin tayong discussions with vaccine manufacturers… ‘Yung 1st kasi, ‘yung isang klase ng bakuna, mayroon siyang parang contraindication to those with parang may cormorbidity, like clotting. It’s something that has to be given to those without these comorbidities, even though they are close contact of patients,“sinabi ni Vergeire sa House Committee on Appropriations sa deliberasyon ng panukalang budget ng DOH para sa 2023.

“The 2nd one, walang ganoong klaseng adverse event, kaya lang ang commitment sa ‘tin baka 1st quarter pa or first month of next year. Tapos quite expensive din, maybe because of competition and the shortage of supplies, the last time we were discussing with them, ang presyo na ngayon ng bakuna was 210 US dollars each. It’s quite costly,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Vergeire na nakikipag-ugnayan sila sa mga manufacturer, ngunit sinusubukan pa ring timbangin kung talagang kailangan ng bansa ng bakuna sa monkeypox.

Ang Pilipinas ay may apat na kumpirmadong kaso ng monkeypox sa ngayon.

“We still have four cases. Three cases, the source of the infection is coming from abroad. This last case we cannot be certain, and we do not like to pronounce that this is a local case, because the history is quite vague,” aniya.

“We cannot get [an] accurate history coming from the patient. Our surveillance is up, we have been continuously testing those having suspected [monkeypox] lesions.”

Ayon sa mga eksperto, ang naka-target na pagbabakuna ay  ay magiging matagumpay sa pagbabawas ng monkeypox transmission, na pangunahing nangyayari sa pamamagitan ng malapit na pakikipag-ugnay. Posible rin ang iba pang mga kaparaanan, kabilang na ang sharing bedding, clothing, at ang prolonged face-to-face contact.

Trending

Exit mobile version