Naitala ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa bansa.
May kabuuang 1,770 kaso ng leptospirosis ang naiulat mula Enero 1 hanggang Agosto 27, ayon sa pinakabagong ulat na inilabas ng DOH noong Miyerkules, Setyembre 14.
Dagdag ng DOH, ang mga kaso ngayong taon ay mas mataas ng 36 porsiyento kumpara sa mga naiulat na kaso sa parehong panahon noong 2021
Ang Metro Manila ay mayroong 378 kaso ng leptospirosis na naitala, sinundan ng Western Visayas na may 210 kaso, at Cagayan Valley na may 195 na kaso.
Iniulat din ng DOH na mula Hulyo 31 hanggang Agosto 27, 327 kaso ng leptospirosis ang naitala. Ang tatlong rehiyon na may pinakamataas na bilang ng mga kaso sa panahong ito ay ang Western Visayas (29), Metro Manila (112) at ang Davao region (31).
Ang Cagayan Valley, Bicol, Central, at Eastern Visayas regions, Davao, at Cordillera Administrative Regions ay nabanggit din na nagkaro’n umano ng breach of alert and epidemic threshold” sa loob ng naunang apat na linggo ng morbidity, o mula Hulyo 31 hanggang Agosto 27.
“However, no clustering was noted nationwide,” saad ng DOH.
Ang mga nasawi na may kaugnayan sa Leptospirosis ay umabot hanggang 244 na bilang, base sa mga datos na naitala. Mula sa kabuuang ito, 14 na pasyente ang pumanaw noong Enero, sinundan ng 11 noong Pebrero, 23 noong Marso, 32 noong Abril; 29 pagkamatay Mayo; 29 na namatay noong Hunyo; 54 noong Hulyo; at 52 noong Agosto.